Friday, July 19, 2019

Paano Pagsabayin ang Trabaho at Part Time na Negosyo




"Paano Pagsabayin ang Trabaho at Part Time na Negosyo"


Tag-init nanaman. Hulaan ko. Gustong mong takasan ang trabaho mo at magbakasyon ng bongga? Ang problema, may pera ka ba? Sa tulag ng bansa nating pasok sa third world country, hindi na maiaalis sa mga nagtatrabaho ang pag reklamo sa baba ng sahod nila. Makakapagtanong ka nalang sa sarili mo, “posible pa kaya na isabuhay ang pangarap mong yumaman?” “Makakaya mo pa kayang maglaan ng pera para sa pangarap mong bakasyon?”
Pero bakit yung ibang tao nagagawa nila? Bakit ikaw hindi? Bago ka magmukmok, heto ang isang bagay na puwede mong simulant ngayon para mapaghandaan mo ang gastusin para sa pangarap mong bakasyon.
Dahil ang sahod ay may hangganan lang ng itataas, nakakakunsyensya naman kung babawasan mo pa ito para ipang lakad mo lang imbis na ipunin. Kaya nga. Ano ngayon ang gagastusin mo para sa bakasyong pangarap mo? Kung walang natitira sa sahod mo, kailangan mo lang ng sideline. Alam mo na siguro na di hamak mas malaki ang puwedeng kitain sa pagnenegosyo kaysa sa pag eempleyado. Kung hindi pa, basahin mo ito. Heto ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsisimula ng part time na negosyo.

 Magsimula sa Maliit na Negosyo

Alalahanin mo na ang pinag uusapan natin ay kung paano mo mapapagsabay ang trabaho mo at ang part time mong negosyo. Kung wala kang sapat na pangsimula ng negosyo o ni wala kang naiipon, ito ang aking mga maipapayo.
  • Direct Selling

Hindi mo kailangan ng daang libong pera para umupa ng pwesto para sa isang negosyo. Basta dala dala mo lang ang brochure mo kahit saan ka magpunta at kausapin ang mga kaibigan o katrabaho tuwing magkakape, lunch time, merienda, at hapunan. At lalong mas kaya mo gawin ito kapag nag fe-Facebook.
  • Multi Level Marketing

Sa maliit na halaga para sa puhunan, maari ka na magsimula ng iyong online na negosyo at mag share ng mga produktong may kapakinabangan sa mga kaibigan mo. Ang kaibahan nito sa direct selling ay hindi ka lang sa pagbenta ng produkto nakakakuha ng commission kungdi pati sa mga nabebentang produkto ng mga taong sumali sa network mo.  Maraming mga MLM companies na puwede mo salihan pero bago ang lahat, mag research, pag isipan ng mabuti ang papasukin mong MLM. Piliin ang kompanya na pinagkakatiwalaan mo.
  • Magsimula ng Online na Negosyo

Bigyan ng saysay ang pagbababad sa social networking sites. Ano ba ang hilig mo? Kikay ka ba na mahilig sa accessories? Alam mo ba ang mga usong damit? Baka naman mahilig ka magbake ng cupcake? O magaling kang tumingin ng magandang bag? Lahat ng ito ay puwede ibenta online. Humanap ka lang ng supplier. Kung ang mga luma mong gamit nga ay puwede na rin ibenta online.
  • Pagkakitaan ang iyong skills

Bakit hindi mo pagkakitaan ang pagkuha ng picture gamit ang napakamahal mong DSLR camera? Kumita sa paggawa ng website, ng advertisements, ng video? May kasanayan ka ba sa pag aayos ng parties? Bakit hindi ka mag events coordinator tuwing weekend? Kung saan ka man eksperto, maraming tao ang naghahanap ng iba’t ibang serbisyo na maaaring ikaw ang makapagbigay.
Kahit ano ang mapili mo sa mga mga payong nabanggit, magiging matagumpay ang part time mong business kapag

#1. Hindi mo inaaksaya ang libreng oras mo.

Tulad ng nasabi kanina, kung may part time kang negosyo, ang lunch break mo ay hindi na magagamit sa kwentuhan o tsismisan. Gagamitin mo na ito para sa pagtawag, pag text, pag chat at pag sarado ng usapan sa mga customers o kliente mo.

#2. Asahan ang mas konting panahon para sa sarili

Nabigla ka? Bakit? Kinakailangan mo ng extrang pera kaya ka nag part time na negosyo. Hindi mo maibibigay ang 100% na attensyon dito kaya asahan mong sa mga araw na wala kang trabaho, doon ka magiging busy sa iyong negosyo. Pero magka ganun man, alam mo na darating ang panahon na makukuha mo rin ang bunga ng mga paghhirap mo.

#3. Hingin ang tulong ng Pamilya.


Sabihan sila na banggitin ang negosyo mo sa mga kakilala nila. Humingi ng pabor sa miyembro ng pamilya na tulungan kang sagutin ang mga tawag, text at kumuha na rin ng mga orders ng mga customers. Bigyan sila ng kanya kanya gagawin tuwing weekend. Halimbawa, ang kapatid mong babae ang mamimili ng mga produkto habang ang kapatid mo namang lalake ang magpapadala nito sa mga customers. Hindi magiging mahirap ang pagkakaroon ng part time na negosyo kung may suporta ka ng iyong pamilya.

#4. Maging totoo sa mga customers na part time mo ito

Dahil nagagawa mo lang ito sa libre mong oras, iwasang kumuha ng napakaraming gawain na lubos sa alam mong kaya mong gawin. Huwag na huwag kang mangangako ng hindi mo kaya tuparin. Sabihan mo ang mga customers kung anong araw o oras ka makakasagot sa kanilang mga katanungan, pati na rin ang araw at oras na ipapadala ang mga produkto sa padalahan para alam nila kung kalian maghihintay.
Kung kinakailangan namang makipagkita sa customer sa isang lugar, sabihan sila kung saan at anong oras kayo maaring magkita. Siguraduhin na malapit lang ito sa pinapasukan mo para mabilis kang makabalik kung kinakailangan.
Tama na ang parereklamo na maliit ang kita dahil lagi kang may paraan na magagawa sa mga sitwasyon.
Sabi nga: YOLO – You Only Live Once (Minsan ka lang mabubuhay)
Ngayong tag-init, kung kulang ang budget at hindi ka makakapag bakasyon ng bongga, marami namang iba pang maaring gawin para makapag relaks ka ng hindi gumagastos ng mahal.
Kung pang gastos man para sa bakasyo o sa kahit anong dahilan pa, lahat ng tao ay kailangan ng extrang pera. Planuhin ng maaga, simulant na, at anihin ang bungang salapi na maaring makuha sa part time na negosyo. Malay mo, kapag umunlad ng sobra ang part time na negosyo mo, baka mas malaki pa sa kinikita mo sa opisina ang kitain mo sa maliit mong negosyo. Kapag nangyari iyon, hindi mo na kailangang mangamba na baka mawalan ka ng trabaho dahil hindi nalang iyon ang pinagkukunan mo ng pang gastos. Malay mo, ang maliit mong negosyo ang maging daan para sa iba pang bonggang bagay na darating sa buhay mo.
To Your Success,
Jeonir baylosis
Internet Entrepreneur / Online Coach
P.S. – May natutunan ka ba? Anong masasabi mo sa post na ‘to? COMMENT Below and make sure to click LIKE and SHARE

P.P.S. – Kung gusto mong matutunan kung paano ka makakapag-attract ng mas maraming Prospects sa Business mo, DOWNLOAD  FREE EBOOK for you.
Malalaman mo kung paano mo gawin ang business mo ng tama?
Dont worry libre lang ito wka kang bayaran Free mo lang mabasa to i hupe makakatulong sayo to.
Just Click the amage below


No comments:

Post a Comment

Paano mag regester sa Buzzbreak