Saturday, July 20, 2019

Paano Makakaiwas sa mga Online Sellers na Scammers



Paano Makakaiwas sa mga Online Sellers na Scammers

Ayaw mo ba o ayaw mo na bang ma-scam ng mga online sellers na scammers?
Siyempre OO ang sagot diyan! Kung ganun, ibibigay sayo ng Divisoria Tips ang mga dapat gawin para hindi ma-scam ng mga kunwaring legit online sellers.
Hala? Di nga?
Oo nga sis! Mas mabuti ng nag-iingatdahil hindi lang pera ang makukuha nila sayo. Para din silang lalaki, makukuha din nila sayo ang kasiyahan, kahimbingang matulog at tiwala na sumubok ulit.
Me point di ba? Ahaha.
Kaya ano pang inaantay mo??
Move on na! Este basa na!
Presenting..

Paano Makakaiwas sa Mga Online Sellers na Scammers

Kung nakilala mo lang ang seller sa Facebook, Olx at iba pang social media account na walang garantiya sa pagkakakilanlan ng sellers (di tulad sa Lazada, Shopee, Metrodeal atbp.), mas mainam na sundin mo muna ang tips sayo ng Divisoria Tips ng hindi magoyo.



1. Kilalaning Mabuti

Parang pangingilatis mo lang yan sa manliligaw mo, dapat alamin mo kung totoong tao at tapat siya sayo.
Kilalanin mo muna ang seller mo. Hanapin ang social media account tulad ng fb (Aba! Sino bang walang fb sa panahon ngayon diba.) dahil baka gawa-gawa niya lang ang pangalan niya bilang seller.
Paano?
Check profile – siyasating mabuti kung siya ba talaga yun at hindi dummy o poser account.
Check timeline – tignan kung may iba pa siyang nililigawan bukod sayo, este, tignan pala kung active ang account ng seller dahil baka bigla na lang yun ginawa para makapanloko.
Check likes and comments – tignan kung may mga friends na nag-eengage sa post ng seller dahil baka kung sinu-sino lang ang mga pinag-aadd niya para lang may maipakitang mga friends. (Kaawa naman)

2. Honest

Suriin, tantsahin, timbangin o kung anu-ano pang diskarte ang gawin mo para masigurado na totoo siya sayo.
Magtanong ng paliguy-ligoy at siyasatin kung hindi siya nagbabago ng sagot sa mga tanong mo.
Di ata maloloko ang taong ayaw magpaloko. Agree?

3. Tignan kung compatible talaga kayo

Search ng reviews tungkol sa seller para makahanap ka sis ng nagsasabing scammer o may niloko ang seller na magiging ka-transaction mo.
Di lang product ang hinahanapan ng review ah, pati rin seller.
Kung may positive reviews naman, siyasatin parin. Ganyan tayong mga babae eh!

3. Mag-selfie

Siguraduhin na talagang may itinitinda ang seller mo. Sa panahon ngayon, madali ng makapanloko dahil ang seller pwedeng mag-google na lang ng kahit anong item na kunwari ay itinitinda niya. Sa madaling salita, wala talaga siyang ibebenta sayo.
Sabihan mo muna ang seller na picturan niya ang item kasama ang sarili. Mas ok kung magdadagdag ka ng request tulad ng magpapicture habang may pinapalabas sa tv ng sa gayon alam mo na accurate ang oras ng picture niya at hindi basta dinoktor lang.

4. I-test

Wag muna suki kung ituring ang seller dahil hindi mo siya lubos na kilala. Subukin mo muna ang seller ng hindi maghanap ng shoulder to cry on pag biglang scammer pala siya.
Isang item lang muna ang bilhin ng masubok. Wag manghinayang sa shipping fee dahil mas malaki ang mawawalasayo kung hindi rin pala mapapadala ang bultong gamit na binayaran mo o iba pala ang mga ito sa personal kaysa sa picture.
Hindi lang mukha ng tao ang finifilter, pati mga online items din!

5. Magpa “Hard to get”

Antagal mong nagpaligaw sa boyfriend mo tapos bigla ka lang bibigay sa isang online seller na hindi mo kakilala? Sis! Gamitin ang instinct!
Magtaka ka kung masyadong pinagsisiksikan sayo ng seller ang itinitinda niya o kung masyadong mababa ang presyo. Malay natin di ba baka me sira o peke pala ang item.
Pera mo ang gagastusin kaya ikaw ang may ‘say’ sa lahat ng bagay. Yung totoo, ang sakit kayang masaktan.

In short

Gaya nga ng sabi ng matatanda, “Ang pagbili online ay hindi kaning isusubo mo na kapag napaso ay pwede mong iluwa.” (Oh di ba. Wag ng kumontra!) Dahil kapag nabigay mo na ang pera mo sa seller na hindi mo akalain na scammer pala ay wala ng bawian pa ng bayad.
Think a hundred times before you commit.

In shortest short

Matrabaho ba? Isa lang solusyon diyan, sa mall na lang bumili! Yun yun eh! Teka, baka gusto mong bumili nitong itinitinda kong iPhone. Brand new to may konting gasgas lang. Ano bilin mo? I-buy 1 take 1 ko na. Bilin mo na!
Ang panloloko ng online scammer ay parang panloloko ng lalaki…
Dahil mananakaw nila sayo ang pera, kasiyahan, kahimbingan matulog at tiwala na sumubok ulit!
Kaya alamin ang paraan para hindi maloko ng mga lalaki, este online seller na scammer pala!

To Your Success,
Jeonir baylosis
Internet Entrepreneur / Online Coach

P.S. – May natutunan ka ba? Anong masasabi mo sa post na ‘to? COMMENT Below and make sure to click LIKE and SHARE

P.P.S. – Kung gusto mong matutunan kung paano ka makakapag-attract ng mas maraming Prospects sa Business mo, watch our FREE Training Video for you.
Just Click the amage below

No comments:

Post a Comment

Paano mag regester sa Buzzbreak