7 paraan kung paano makaipon ng pera 💰
1. Gamitin ang 70-20-10 rule.
Isa sa paraan para makapag-save o makaipon ng pera ay ang pagpaplano kung saan mapupunta ang kinikita o sweldo mo buwan-buwan.
Maari mo itong gawin sa pamamagitan ng pag-a-allot ng percentage ng iyong sweldo sa mga bagay na kailangan mo o ang paggamit ng 70-20-10 rule. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng paglalaan ng 70% ng sweldo mo para sa mga major needs ng pamilya mo, 10% sa tithing o pagbabalik grasya sa Diyos at 20% para sa savings mo.
Ang 70% na inilaan mo para sa major needs and wants ay ang dapat mong budgetin at gastusin sa paraan na magiging wais ka para mapagkasya mo.
Samantalang, ang 20% naman ay maari mong hatiin sa investments at savings mo para sa future tulad ng pagaallot nito para sa iyong retirement.
Ang natitirang 10% naman ay nakadepende sayo kung ilalaan mo ba sa tithing o sa iba pang bagay na kailangan mo.
2. Gumamit ng financial statements o i-record ang mga gastos at kung saan napupunta ang pera mo.
Para naman malaman kung saan napupunta ang pera mo at mas maayos na ma-budget ito ay ugaliing itabi ang mga resibo ng lahat ng pinamili o pinagkakagastusan mo. Mula dito ay gumawa ka ng cash flow statement at balance sheet. Ang cash flow statement ay ang record ng mga gastos mo buwan-buwan na kung saan ang maari mong maging reference ay ang mga resibong itinabi mo.
Samantalang, ang balance sheet naman ay ang naglalaman ng total assets mo o ang lahat ng pag-aari mo na na-acquire maski bahay-lupa man yan o bagong cellphone minus sa utang mo o loans.
Sa ganitong paraan ay malalaman mo kung magkano ang worth mo na magiging guide mo sa paggastos at pagpili ng mga short o long term goals mo pagdating sa usaping pera.
3. Mag-automatic savings at huwag umasa sa willpower mong mag-save.
Para naman hindi mahirapang, mag-save o magtabi ng pera mula sa income o sweldo mo buwan-buwan ay maari kang sumubok na magkaroon ng automatic savings.
Sa option na ito ay puwede mong kausapin ang HR ninyo na magdeduct sa sweldo mo buwan-buwan automatically ng 20% para sa savings mo. Sa ganitong paraan ay hindi mo na kailangang gawin ito sa sarili mo.
Mayroon din namang mga banko ang nag-o-offer ng option para sa Automatic Savings Plan na mas makapagpapaliwanag sayo tungkol dito.
4. Gumamit ng 24-hour rule.
Gamitin ang 24-hour rule o delayed gratification strategy para maiwasan ang impulse buying.
Kung mamimili ng isang bagay o luxury magpalipas muna ng 24 oras bago bilhin ito para mapag-isipan mong mabuti kung kailangan o gusto mo lang bang bilhin ito. Magagamit ang rule na ito lalo na sa panahon ngayon na uso ang online shopping na kung saan anytime kapag buo na ang isip mo ay madali mo nalang mai-add o made-delete sa cart mo ang item na pinagiisipan mong bilhin.
5. Magkaroon ng emergency fund.
Para naman hindi masira ang savings mo ay maglaan ng extra para sa emergency fund.
Maari mong ipasok ito sa 70-20-10 rule, puwede mong ilaan ang 10% sa emergency fund kung hindi ka naniniwala sa tithing o di kaya naman ay ang 5% mula sa 20% na para sa savings mo. Dahil ang fund na ito ay ang magagamit mo kung sakaling may emergency tulad ng may nagkasakit o may kailangang bilhin na hindi na kailangan bumawas sa savings na naitabi mo.
6. Pangalanan ang mga accounts mo.
Makakatulong rin ang pagbubukas ng mga accounts na paglalaanan mo ng savings mo gaya ng educational savings para sa pag-aaral ng anak mo sa kolehiyo. Sa pamamagitan nito ay mas naiinspire kang mag-save para sa future ng anak mo o di kaya naman ay para sa retirement mo at mahihiya kang galawin ito para lang mabili ang luho mo.
7. Maghanap ng investment buddy o savings buddy.
Makakatulong rin ang pagkakaroon ng investment buddy o savings buddy na gagabay sayo sa pag-iipon at pag-invest ng pera mo. Puwede mo rin silang maging inspirasyon at additional source ng ideas para mas effectively kang makapag-ipon.
Makakatulong rin ang mga savings buddy sa pagpapaintindi sayo sa mga bagay na dapat mong pag-kagastusan at mag-momotivate sayo na kaya mong mag-ipon para sa future mo at ng pamilya mo.
Isang challenge talaga ang pag-iipon lalo na sa panahon natin ngayon. Ngunit, achievable naman ito kung magkakaroon ka ng disiplina sa sarili mo sa tamang paggastos ng iyong pera at pag-iintindi sa kahalagahan ng pagtatabi para sa kinabukasan mo at ng iyong pamilya.
May Natutunan ka ba sa Post na to ? Comment Below 👇
Your Success,coach
Jeonir Baylosis,
P.S. Kung Naghahanap ka ng Solusyon sa rejection.
May solusyon pala sa rejection.
Puro na lang ba rejections ang natatanggap mo kapag
nagooffer ka ng product or business mo?
What if may magagamit kang tool na tutulong sayo magqualify ng mga nakakausap mo para
mabawasan ang rejections?
Magiging malaking tulong ba yun sayo?
What if instead na isang tool lang 5 pa?
Kung okay sayo yun idea na iyan.
Pwede mo icheck out yun 5 sms.
>> click here: My SECRET STRATEGY
P.S. Kung Naghahanap ka ng Solusyon sa rejection.
May solusyon pala sa rejection.
Puro na lang ba rejections ang natatanggap mo kapag
nagooffer ka ng product or business mo?
What if may magagamit kang tool na tutulong sayo magqualify ng mga nakakausap mo para
mabawasan ang rejections?
Magiging malaking tulong ba yun sayo?
What if instead na isang tool lang 5 pa?
Kung okay sayo yun idea na iyan.
Pwede mo icheck out yun 5 sms.
>> click here: My SECRET STRATEGY
No comments:
Post a Comment