Friday, March 8, 2019

Tips Kung Paano Magkaroon Ng Puhunan Sa Negosyo

Tips Kung Paano Magkaroon Ng Puhunan Sa Negosyo

One day meron kang naisip o nakita na magandang business opportunity. Kaya pinag-aralan mo itong mabuti. Nag research ka tungkol sa dito.
Maganda. Very promising. Nai-imagine mo nang nagtatagumpay ka sa business na ‘to. Na envision mong kumikita ka na ng malaki.. 6-figure income kada buwan. Nakakapunta ka na sa magagandang lugar. Nabibili mo na lahat ng gusto at kailangan mo. Ang saya-saya niyo ng pamilya mo. Nae-experience mo na yung gusto mong lifestyle.
Na-inspire ka kaya ang sabi mo sa sarili mo, “Okay! Ito na yung business na para talaga sa akin. Papasukin ko ito.”
May mga plano ka nang ginawa kung paano mo mahi-hit yung financial goal mo. Sisimulan mo na sanang itayo ang negosyo mo kaso bigla kang natigilan
Naalala mong upang makapagsimula ka sa kahit anong negosyo, kailangan mo pala ng puhunan o kapital. Ang kaso wala or kulang ang pera mo para masimulan ang business na pinaplano mo.
Paano na yan, pre.. dre.. bro.. kosa.. bes.. beshie.. mamshie..?
Bago ka pa tuluyang masiraan ng bait sa kakaisip kung paano ka magkakaroon ng perang ipapam-puhunan mo sa negosyo mo, meron akong inihandang tips kung paano ka magkakameron ng capital para sa iyong business.

4 Tips Kung Paano Magkaroon Ng Puhunan Sa Negosyo Mo:

1. Mangutang
Kung may mga kaibigan, kamag-anak, o kakilala ka na merong tiwala sa’yo, pwede kang manghiram sa kanila ng pera. Pwede mong utangin ng buo ang pera sa isang tao lang o kaya naman ay hati-hatiin mo sa dalawa o tatlong tao yung hihiramin mo. Halimbawa, kailangan mo ng P3,000. Pwedeng P1,500 sa isa at P1,500 sa isa pa. O kaya naman ay P1,000 sa bawat isang tao kung tatlo sila.
Pwede ka ding mag-loan sa bangko o sa mga lending institutions. Kung member ka ng SSS, may option sila para makautang ka.
If you have a credit card, mas okay. Siguraduhin mo nga lang na sa business mo lang ito gagamitin at hindi sa mga walang kwentang gastusin para hindi ka mabaon sa utang.
Take note: Ang utang ay utang. Alam mo na ang dapat gawin. πŸ™‚

2. Magbenta ng mga bagay na hindi na ginagamit

Another way to generate funds for your business ay ang magbenta ng mga gamit mong hindi mo na kailangan. Kung may mga used clothes and dresses ka, ibenta mo na. Kung may mga gadgets kang tingin mo hindi mo na kailangan pa at pwede pang magamit, ibenta mo na. Kesa naman mabulok sila sa cabinet at kuwarto mo.
Pwede kang magtayo ng garage sale sa tapat ng bahay niyo o kaya naman ibenta mo online. May mga websites kung saan pwede kang magpost ng items na binibenta mo gaya sa Facebook, olx.com, lazada.com, etc.

3. Magsanla

Kung ayaw mo naman ibenta ang mga gamit mo, pwede namang isanla mo na lang. Kung hindi ka pamilyar sa pagsasanla o pawning, ganito yun.. Ipapalit mo ang gamit mo, gaya ng gadget o alahas, para sa sa pera sa loob ng ilang araw, linggo, buwan o taon.
Kapag hindi mo naibalik ang pera sa deadline, mare-remata o mapapasa kamay na ng tao o pawnshop na pinagsanlaan mo yung gamit mo.
Reminder lang: Dapat may estimate time frame ka kung kelan mo kikitain yung pinuhunan mo para alam mo kung kaya mo bang maibalik yung pera sa tao o pawnshop bago ma-remata yung gamit mo.

4. Mag-ipon

Ito ang pinaka safe na option. Mag-ipon. Nasabi kong safe dahil wala kang obligasyon na kailangang alalahanin… Wala kang pagkakautang sa iba; wala kang gamit na baka ma-remata sa sanglaan; at hindi mo na kailangang ibenta yung mga gamit na matagal mong iningatan. Kung may existing savings ka na, pwede mo nang gamiting kapital yun.
Pero kung wala pa, kailangan mo lang magtabi mula sa sweldo o allowance mo.
In that sense, safe ka sa ganitong paraan.
Pero hindi ibig sabihin ay wala nang risk dito.
Paano kung hindi naman ganun kalaki ang sweldo mo? Paano kung maliit lang ang allowance mo sa eskwela?
Yes, makakaipon ka pero ang tanong, kailan mo makukumpleto yung halaga na kailangan mo para sa puhunan sa negosyong gusto mo?
Baka bago mo pa matapos ang pagiipon mo ay outdated na yung business concept na naisip mo. O kaya naman ay baka may ibang negosyante na maunahan kang gawin yung business na pinlano mo.
Napakahalaga ng oras sa pagnenegosyo so you have to act as fast as you can para hindi ka mapag-iwanan. πŸ™‚

That’s it!

Those are my 4 tips kung paano ka magkakaroon ng puhunan para sa negosyo mo.
Ang bottom line sa article na ‘to ay kung gusto mo talagang gawin ang isang bagay, kung gusto mong maabot ang pangarap mo, hahanap at hahanap ka ng paraan upang makuha mo ito.
Sana ay may naitulong sa’yo ang blog post na ito, kaibigan.
Kung may mga hindi ako nasamang iba pang paraan kung paano magkameron ng kapital sa business na gusto mong simulan, feel free to comment here. πŸ™‚

PS. Naghahanap Ka Ba Ng Negosyong May Maliit Na Puhunan Pero Malaki Ang Posibleng Kitain Mo? Just

πŸ‘‰ click me at Panoorin Ang Free Video Training Na 

Ginawa Namin.


Once again thank you so much for reading my blog. 

I hope na marami ka natutunan and i hope na i-apply mo yung mga knowledge and skills na natututunan mo para magawa mong makapag-attract ng mga tao na sasali sayo.


P.S. - Kung gusto mo maging attractable sa mga prospects and soon to be business partners mo, feel free to like and share this blog on your Facebook.


God Bless!


Your Partner To Unstoppable Success,

Jeonir baylosis


Internet Marketer / Entrepreneur / Mentor

Dont forget like & share your friends



No comments:

Post a Comment

Paano mag regester sa Buzzbreak